Mandatory 14-day quarantine sa close contact ng COVID-19 positive, kailangan pa rin tapusin, positibo o negatibo man ang resulta ng RT-PCR test

49

Nilinaw ngayon ng Pateros Local Government Unit (LGU) na kailangan pa rin na tapusin ng mga residente ng naturang bayan na mayroong first level close contact sa COVID-19 patient ang kani-kanilang 14-day mandatory quarantine.

Ito’y kahit ano pa ang lumabas sa resulta ng gagawing COVID-19 RT-PCR test limang araw matapos ang exposure sa pasyente ng COVID-19.


Ayon sa LGU, negatibo o positibo man ang resulta sa swab test ng close contact ay kailangan pa rin nitong manatili sa kanilang bahay o quarantine facility hanggang matapos ang mandatory quarantine alinsunod na rin sa guidelines.

Paliwanag ni Pateros Mayor Ike Ponce, Delta variant na umano ng COVID-19 ang kinakaharap ng bansa ngayon.

Dagdag pa ng alkalde, sa ngayon ang Pateros ay may 6,920 COVID-19 cases kung saan 579 dito ang active cases, 88 ang binawian ng buhay at 6,249 ang gumaling.

Facebook Comments