Mandatory annual reporting ng mga dayuhan, hindi na palalawigin

Walang balak ang Bureau of Immigration (BI) na magbigay ng extension sa lahat ng mga foreign nationals na naka-rehistro sa kawanihan na mag-report sa pinakamalapit na tanggapan ng immigration.

Ayon kay Atty. Jose Carlitos Licas, BI Alien Registration Divison (ARD) Chief , mahaba na ang dalawang buwang palugit kaya walang rason ang mga dayuhan na hindi makasunod sa kanilang annual reporting.

Ito ay base na rin sa nakasaad sa Alien Registration Act.


Iginiit ng BI na ang sinumang mabibigong sumipot sa BI sa itinakdang petsa ay maaring pagmultahin o kanselahin ang kanilang mga alien registration certificate.

Ang BI-registered aliens ay ang mga resident foreign nationals na nabigyan ng immigrant o non-immigrant visas at napagkalooban ng Alien Certificate of Registration Identity Card (ACR I-Card).

Facebook Comments