Mandatory border control at pagsusuot ng face mask, hindi pa inrerekomenda ng DOH, sa gitna ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 “Flirt” variant sa Singapore

Hindi pa inirerekomenda ng Department of Health (DOH) ang pagpapatupad ng mandatory border control at travel restrictions, at ang pagsusuot ng face mask, kasunod ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 “Flirt” variant sa Singapore.

Sa Malacañang press briefing, sinabi ni Health Secretary Ted Herbosa na ito’y isang “variant under monitoring” pa lamang at hindi isang “variant of concern.”

Gayunpaman, pinapayuhan ng kalihim ang publiko na sumunod sa minimum public health standards tulad ng proper hygiene at self-isolation kung makaramdam ng sintomas ng Influenza-like illness.


Samantala, hindi naman inaalis ng kalihim ang posibilidad na may “Flirt” variant na rin sa bansa kahit na wala pang sapat na sample ang DOH para isailalim ito sa genetic testing.

Kapag dumami aniya ang COVID-19 sa bansa ay saka pa lamang ito susuriin ng Philippine Genome Center.

Facebook Comments