Mandatory Continuing Legal Education at North Luzon Lawyers Convention, Isinasagawa!

Cauayan City, Isabela – Kasalukuyang isinasagawa ang apat na araw na Mandatory Continuing Legal Education ng mga abogado at North Luzon Lawyer’s Convention sa Tuguegarao City, Cagayan sa pangunguna ng Integrated Bar of the Philippines (IBP).

Sa panayam ng RMN Cauayan kay Atty. Mila Catabay Lauigan, Convention Director at dating Board Member ng Cagayan, sinabi niya na ang legal education at convention ay nagsimula nitong November 28 at matatapos sa December 01, 2018.

Aniya, inaasahan ang mahigit 200 na mga abogado sa buong rehiyon dos, Region 1 at Cordillera Administrative Region (CAR) at kasama rin aniya ang iba’t ibang national officials at mga justices ng Supreme Court.


Paliwanag pa ni Atty. Lauigan na isa sa nakahanay sa aktibidad ay ang pagpapakilala ngayong araw ng Northern Luzon Convention sa Medical College of Northern Philippines (MCNP) na dating naipakilala sa Bayumbong Nueva Vizcaya kung saan ay pangatlong beses na umanong isinagawa ang North Luzon Convention sa Tuguegarao City, Cagayan.

Kaugnay nito, dumating kahapon ang ilan sa mga bisita kung saan isa na dito si dating Spokesman Harry Rogue, dating chairman ng Commission on Audit na si Grace Pulido Tan at inaasahan rin ang pagdating pa ng ilang kilalang personalidad ng bansa.

Layunin ng aktibidad na malaman ang ilang legal developments at mga umuusbong na batas sa bansa.

Facebook Comments