Mandatory COVID-19 tests sa lahat ng Immigration employees, ipinag-utos

Ipinag-utos ng Bureau of Immigration (BI) sa mahigit 3,000 na opisyal at empleyado nito sa buong bansa ang pagsasailalim sa mandatory rapid test para sa COVID-19.

Layon nito na mapangalagaan ang lahat ng mga empleyado at ang mga taong magsasagawa ng transaksyon sa mga tanggapan ng BI.

Inatasan din ni Immigration Commissioner Jaime Morente ang BI employees mula sa Immigration Field Offices at Subports sa labas ng Metro Manila na makipag-ugnayan sa Local Government Units (LGUs) sa kani-kanilang mga lugar para maka-avail ng libreng COVID-19 tests para sa frontliners.


Ang sino mang tauhan ng BI na hindi susunod sa mandatory rapid test ay hindi papayagang makabalik sa trabaho.

Una nang isinara pansamantala ang BI main office sa Intramuros, Manila makaraang magpositibo sa COVID-19 ang isang empleyado nito.

Facebook Comments