Mandatory COVID-19 vaccination, malabo pa sa susunod na administrasyon

Malabo pang maipatupad ang mandatory COVID-19 vaccination sa ilalim ng susunod na administrasyon.

Ayon kay National Task Force (NTF) Against COVID-19 Medical Adviser Ted Herbosa, hindi kailangang magmadali ng pamahalaan para ipatupad ang mandatory vaccination.

Gaya aniya ng sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III, kailangang ma-analyze muna ang data at kung ano ang magiging resulta.


Maliban dito, patuloy rin aniya ang pag-aaral sa pagbibigay ng second booster shot sa general population.

Facebook Comments