Temporary Ban sa Pagpasok at Paglabas ng Alagang Baboy at Meat Products, Hihigpitan

20
Cauayan City, Isabela- Iniutos ni Mayor Martin Habawel ang Temporary Ban sa pagpasok at paglabas ng mga alagang baboy at Pork products makaraang lumabas sa pagsusuri na positibo sa African Swine Fever ang mga nangamatay na baboy sa Barangay Ponghal, Lagawe, Ifugao.

May 10, 2022 nang ipadala sa laboratoryo ang sample specimen ng alagang baboy hanggang sa positibo ang resulta nito.

Sa ngayon, mahigpit na tinututukan ang pagpasok at paglabas ng mga meat products at swine upang maiwasan ang pagkalat ng sakit.

Naglagay na ng checkpoint sa lugar upang makasigurong walang maipupuslit at maipapasok na baboy.

Sa kabila nito, hinimok ang mga hog raisers na gumamit ng commercial feeds o self-formulated feeds gamit ang conventional at non-conventional feed ingredients.

Facebook Comments