Mandatory drug test sa mga bilango at kanilang bantay, isinulong ni Senator De Lima

Manila, Philippines – Iginiit ngayon ni Senator Leila De Lima ang pagsailalim sa regualr na mandatory drug test ng lahat ng mga bilanggo at kanilang mga custodian.

Ito ang nakapaloob sa senate bill number 1496 o Drug-free Prisons Act of 2017 na inihain ni Senator De Lima.

Layunin ng panukala ni De Lima na maging drug-free ang mga piitan, correctional institutions at maging mga detention facilities.


Kapag naisabatas, kabilang sa sasaklawin ng panukala ni De Lima ang mga pasilidad na minamantine ng Bureau of Jail Management and Phenology at ng Bureau of Corrections.

Kasama din ang mga custodial center ng Philippine National Police, Bureau of Immigration at Armed Forces of the Philippines.

Ang sinumang government official at empleyado ng mga detention facilities na magpopositibo sa drug test ay mahaharap sa administrative and criminal sanctions at sasailalim din sa Drug Dependency Examination.

Apektado naman ang petition para ma-pardon o mabigyan ng parole ng sinumang bilanggo na magpopositibo sa drug test.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558

Facebook Comments