Manila, Philippines – Mariing tinututulan ng Kabataan sa Kamara ang pagpapalabas ng mandatory drug test ng CHED sa mga kolehiyo at unibersidad.
Giit ni Kabataan Rep. Sarah Elago na kung gagawing requirement ang drug test sa pagtanggap sa mga estudyante sa higher education institutions ay salungat ito sa academic freedom.
Nilalabag anya ng CHED ang academic freedom para suportahan ang anti-drug campaign ni Pangulong Duterte.
Nangangamba ang kongresista na dahil SA memo ng CHED ay maging dahilan pa ito para maipatupad ang tokhang sa mga eskwelahan.
Hindi rin umano malayo na maging daan pa ito para pasukin ng mga pulis at militar ang mga kolehiyo at unibersidad.
Dagdag pa ng kongresista, mas mabuti ng totohanin at pondohan muna ng gobyerno ang libreng matrikula sa halip na pagkaitan ang mga kabataan na makapasok dahil sa isyu ng drug use.