Manila, Philippines – Nagpahayag ng pagkabahala ang Commission on Human Rights (CHR) sa mandatory drug testing para admission at retention policies sa mga college students.
Sinabi ni CHR Spokesperson Atty. Jacqueline De Guia na bagaman at kinikilala nila ang intensyon ng Commission on Higher Education (CHED) na gawing drug free ang mga kolehiyo at pamantasan, dapat ay maging maingat ito sa pamamaraan ng pagpapatupad nito.
Ayon kay De Guia, may pakialam ang ahensya sakaling makita nila na ipinasasalo sa isang partikular na sektor ang bigat ng hamon ng war on drugs sa halip na ang mga ito ay maprotektahan.
Sa halip aniya na kondenahin, responsibilidad ng education institutions na gabayan ang mga estudyante na magbago at iwasan ang droga.
Facebook Comments