
Inanunsyo ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Vince Dizon, ang kautusan na lahat ng PUV drivers ay sasailalim na sa mandatory drug testing.
Ayon kay Dizon, ang department order ay agad niyang pipirmahan ngayong araw.
Ibig sabihin, lahat ng mga nagmamaneho sa mga pampublikong sasakyan ay daraan o kailangan mag-comply sa drug test bago magmaneho kada 90–araw.
Ang kautusan na ito ay kasunod na rin ng insidente na nangyari sa SCTEX kung saan tumangging magpa-drug test ang driver ng Solid North.
Matatandaang umabot sa 10 ang nasawi kabilang na ang apat na bata sa nangyaring aksidente.
Facebook Comments









