Inalis na ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang mandatory facility-based quarantine sa mga uuwi ng Pilipinas na flight at crew members.
Gayunman, kailangan nilang mag-monitor sa sarili para sa posibleng sintomas ng COVID-19.
Inatasan din ng CAAP ang air operators para sa pagpapatupad ng mga panuntunan para sa kaligtasan ng kalusugan ng publiko.
Kung kukuhanan din sila ng hotel accommodation ng kanilang airline, dapat ay isang crew lamang sa bawat hotel room.
At kapag may sintomas ng COVID-19 ay kailangang isailalim agad ang crew sa medical assessment.
Facebook Comments