42 PAARALAN SA CITY OF ILAGAN, INAASAHANG MAPAPABILANG SA LIMITED FACE-TO-FACE CLASSES

Cauayan City, Isabela- Inaasahang madaragdagan ang mga paaralan sa lungsod ng Ilagan na mapapabilang sa limited face-to-face classes matapos maibaba sa alert level 2 status ang sitwasyon ng COVID-19 sa Isabela.

Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay G. Paul Bacungan, City Information Officer ng LGU Ilagan, nasa apatnapu’t dalawa (42) ang napipintong magdaos ng face-to-face classes.

Kasabay ng inaasahang pagsisimula ng klase ang pagsunod pa rin sa minimum public health standard upang matiyak pa rin na makaiwas sa hawaan ng COVID-19.

Samantala, siniguro naman ng LGU at DepED na nakasunod ang mga paaralan sa mga alituntunin sa pagbubukas ng limited face-to-face classes.

Inihahanda na rin aniya ng mga paaralan ang lahat ng dapat gawin bago pa man ang pagbubukas ng klase.

Umaasa ang lokal na pamahalaan na maabot ang zero active cases ng COVID-19.

Facebook Comments