Mandatory military service ng mga kabataan, tinututulan ng isang kongresista

Tutol si Deputy Speaker Lito Atienza na gawing “mandatory” ang military service ng mga kabataang edad 18 anyos na siyang panukala ng kaniyang kapwa vice presidential aspirant na si Davao City Mayor Sara Duterte.

Giit ni Atienza, ang plano ng alkalde sakaling manalong VP ay isang hakbang tungo sa maling direksyon.

Sa halip aniya na military service o training, mas mainam kung palalakasin ang “civic consciousness” at maging mabuting mamamayan, bukod pa sa palakasin ang kapasidad ng mga Pinoy para matugunan ang mga problema ng bayan.


Paalala pa ng kongresista, tinanggal na noon ang mandatory military training dahil hindi naman ito nagamit para ma-develop ang mga kabataan.

Dagdag ni Atienza, hindi solusyon ang military training dahil mas mabuti kung ang mga tao ay masanay at mabigyan ng malaking papel sa disaster preparedness.

Facebook Comments