PNP Chief General Dionardo Carlos, nagtalaga ng tagapagsalita

123

Itinalaga ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Dionardo Carlos si Police Colonel Jean Fajardo bilang kaniyang bagong tagapagsalita.

Naging epektibo ang bagong katungkulan ni Fajardo nitong January 13, 2022.

Si Fajardo ay dating deputy director for operations ng PNP Drug Enforcement Group (PDEG).


Siya ay miyembro ng Philippine National Police Academy (PNPA) “Kaagapay” Class of 1996 at nagtapos ng abogasya sa Jose Rizal University.

Mananatili naman si Police Brigadier General Roderick Alba na hepe ng PNP Public Information Office (PIO).

Facebook Comments