Mandatory na pagbabakuna sa mga kawani ng gobyerno, ipapatupad sa Estados Unidos

Gagawin nang mandatory ang pagbabakuna kontra COVID-19 sa mga politiko at iba pang kawani ng gobyerno sa Estados Unidos.

Ayon sa White House, ang nasabing kautusan ay bunsod ng pagsipa ng kaso ng COVID-19 kabilang na ang Delta variant sa kanilang bansa.

Sa huling speech ni US President Joe Biden, binigyang diin ang kahalagahan ng regular na COVID-19 testing at ng pagsusuot ng face mask sa mga opisina.


Batay sa datos, umabot na sa higit 654,000 na katao ang nasawi dahil sa COVID-19 sa US.

Facebook Comments