Albay – Nagpatupad na ng mandatory preemptive evacuation sa halos 3,000 pamilya na nakatira sa high-risk areas sa Albay.
ayon kay Camalig MDRRMO Officer Rommel Negrete, alinsunod ito sa direktiba ni Mayor Arhdail Baldo para sa target na zero casualty sa inaasahang epekto ng Bagyong Amang.
Kabilang dito ang mga residente mula sa mga barangay ng Ilawod, Libod, Tagaytay, Cotmon, Comun, Bariw at Ligban.
Dalawang araw silang mananatili muna sa mga evacuation center.
Nagpatupad na rin ng forced evacuation sa dalawang barangay sa Guinobatan na prone sa baha at landslide.
Facebook Comments