Ito ay makaraan ang masusing deliberasyon at rekomendasyon na rin ng Expanded Health Cluster.
Magiging epekto ang nasabing pagbabago simula March 1, 2022 sa bisa ng Executive Order No. 05 s 2022 na nilagdaan ni Governor Marilou Cayco.
Ikinokonsidera naman ng task force ang malaking pagbabago sa polisiya ay dahil sa mataas na rate ng populasyong nabakunahan kontra COVID-19.
Kahapon,Pebrero 24, may kabuuang 15,633 indibidwal na fully vaccinated o 107.69 sa target na kwalipikadong populasyon, habang 56.66 dito ang nakatanggap na ng kanilang booster shots.
Sa kabila ng malalaking pagbabagong ito, mananatiling sarado ang Batanes sa lahat ng mga turista at non-essentials travelers hanggat wala pang lumalabas na panibagong abiso.
Mahigpit na magpapatupad ng minimum public health standards at iba pang kinakailangang safety and health protocols ang COVID-19 Task Group.