Sinimulan nang ipatupad ng Makati City Government ang mandatory quarantine para sa mga taong kumpirmado o hinihinalang may Coronavirus Diseases 2019 o COVID-19.
Ito’y matapos aprobahan ng Sangguniang Panlungsod ang City Ordinance No. 2020-088 o ang Mandatory Quarantine Ordinance ng Makati City.
Nakasaad sa nasabing ordinansa na sasailalim sa mandatory 14-day-quarantine ang sinumang nakumpirma o pinaghihinalaang may COVID-19 base sa protocols ng Department of Health (DOH).
Nakapaloob din dito na bawal makipag-ugnayan ang isang naka-quarantine sa ibang tao bukod sa medical frontliners o health workers na nangangalaga sa kanya.
Ang sino mang lalabag, ₱5,000 ang mula’t sa una at ikalawang offense.
Sa ikatlo at mga susunod na offense ay maaaring makulong ng hanggang isang taon bukod pa sa mulat na kaparehong halaga.
Hindi sakop ng ordinansa ang mga taong may Acquired Immune Deficiency Syndrome (AIDS), Human Immunodeficiency Virus (HIV), Sexually Transmitted Infections (STIs) o iba pang uri ng infectious o communicable diseases na hindi kailangan ng quarantine.
Ayon kay Makati Mayor Abby Binay na mahalaga ang ordinansang ito upang maging mas epektibo pa ang mga hakbangin ng lungsod para mapigilan ang pagkalat ng sakit na COVID-19.
Katuwang din, aniya, sa pagpapatupad ng nasabing ordinasa ang Makati Health Department o MHD at iba pang otoridad na tumulong sa lungsod upang mapigilang ang paglala ng kaso ng COVID-19.