Sylvia Sanchez, malapit nang gumaling sa sakit na COVID-19

Sa pamamagitan ng instagram post, masayang ibinalita ng batikang aktres na si Sylvia Sanchez na gumaling na siya sa sakit na COVID-19, maging ang asawang si Art Atayde.

Nabatid na isang buwan nang naka-confine sa ospital si Sylvia, pero matibay ang loob na hinaharap ng aktres ang sakit na COVID-19.

Makikita sa kanyang instagram post na todo-ngiti na siya, kasama ang dalawang doktor sa loob ng kanyang hospital room sa San Juan City.


Kinunan na raw ulit sina Sylvia at Art ng COVID-19 test kung saan isang negative test na lang ang kailangan upang tuluyan syang makauwi sa kanilang bahay.

Kaya laking-pasasalamat niya sa frontliners na sumubaybay sa kanila sa buong pagsubok na ito.

Tinawag ni Sylvia na “#ourangels” ang frontliners na buwis-buhay na nagbibigay-lunas sa mga pasyenteng dinapuan ng virus.

Facebook Comments