Ito ay matapos umanong dumami ang bilang ng mga estudyante mula sa iba’t ibang unibersidad sa lambak ng Cagayan na boluntaryong nag-enroll sa ROTC.
Aniya, nakita at namulat na umano ang mga kabataan ukol sa kahalagahan ng pagkakaroon ng ROTC hindi lamang para sa kanilang mga sarili, kundi para na rin sa kanilang bansa.
Dagdag pa nito, ang pagdami ng bilang ng mga estudyante ay dahil karamihan umano sa mga ito ay hindi na naniniwalang nakasasama o pahirap lamang ang ROTC sa mga estudyante.
Sa kasalukuyan ay nasa 11,000 ROTC cadets sa buong lambak ng Cagayan mas marami umano ito kumpara sa ibang mga rehiyon sa bansa, at posible pa umano itong dumami sa mga susunod pang mga taon.
Dagdag pa nito, kinakikitaan rin umano ni COL. WILFREDO ADQUILEN ang mga kabataan ngayon na mas buo na ang pananaw at nawaksi na nila ang nakagawiang pag iisip ng mga tao sa ideya ng ROTC.