Buo ang paniniwala ni Senator Robinhood “Robin” Padilla na malaki ang maitutulong ng disiplinadong paggalaw sa pagtugon sa mga kalamidad tulad ng lindol na yumanig sa Hilagang Luzon nitong Miyerkules.
Isa itong dahilan kaya inihain ni Padilla ang Senate Bill 236, o ang pagpapatupad muli sa Mandatory Reserve Officers Training Corps (ROTC) bilang requirement sa undergraduate degree o diploma programs sa pampubliko at pribadong tertiary-level na paaralan.
Paliwanag ni Padilla, kung buo ang ROTC natin ay madali itong tawagin dahil ang organisado, madaling utusan, may sinusunod na disiplina at mayroong commander o namumuno.
Idiniin ni Padila na kailangan ang disiplina at command structure para mabilis at maayos ang pag-mobilize ng tulong.
Sa ilalim ng panukala ni Padilla, kasama sa Basic ROTC Program ang training:
* External and Territorial Defense
* Internal Security, Peace and Order and Public Safety
* Disaster Risk Reduction and Management, at
* Human Rights and Humanitarian Law
Tiniyak naman ni Padilla na exempted sa ROTC ang mga “physically or mentally unfit to render military service”, may mga kapansanan at mga nahatulan sa criminal offenses involving moral turpitude.
Dagdag pa ni Padilla, exempted din sa ROTC ang mga may isyu dahil sa pananampalataya, at ang mga dumaan na sa kaparehong military training.