Hemodialysis session coverage ng PhilHealth, pinalawig pa

59

Pinalawig pa ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang coverage ng kanilang hemodialysis sessions.

Ito’y matapos aprubahan ng PhilHealth Board of Directors na itaas sa 144 ang maaaring ibigay na sessions mula sa kasalukuyang 90 sessions.

Ayon kay PhilHealth Executive Vice President at Chief Operating Officer Atty. Eli Dino Santos, maaaring makapag avail ng nasabing coverage para sa hemodialysis hanggang Disyembre 31.


Inatasan din ng PhilHealth ang lahat ng kanilang Regional Offices at concerned healthcare facilities na tanggapin pa rin ang lahat ng mga mag-aavail na miyembro kahit lagpas na sa 90 session basta’t ito’y inirekomenda ng kanilang doktor.

Samantala, nakatakda namang maglabas ng guidelines o panuntunan ang PhilHealth para dito.

Facebook Comments