Hiningi ni Vice President at Deparment of Education (DepEd) Secretary Sara Duterte-Carpio sa mga opisyal ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na suportahan siya sa itinutulak niyang pagbabalik ng Mandatory Reserved Officer Training Course o ROTC.
Sa pulong niya sa mga opisyal ng AFP at PNP, sinabi ni VP Duterte na dapat umanong maibalik sa kolehiyo ang ROTC upang masanay ang mga kabataan sa pagiging makabayan.
Bukod sa ROTC, nais ding ibalik ng bise presidente ang Civilian Army Training o CAT sa mga High School students.
Dapat umanong mahasa ang abilidad ng mga bata sa kasanayang pang-militar upang maipagtanggol ang bayan sa banta ng mga terorista at mga dayuhan.
Noong nakaraang linggo lamang, lumagda sa kasunduan ang DepEd at 91st Infantry Batallion ng Philippine Army sa Aurora Province para sa information dissemination sa mga bata laban sa CPP-NPA.