Extension para sa mga kukuha ng L.E.T, hanggang ngayon araw na lamang para sa mga probationary teachers’ ng senior high school

Wala ng ibibigay na panibagong extension sa mga Probationary teachers’ ng Senior High School para kumuha ng kanilang Licensure Examination for Teachers (L.E.T).

Ito ang paalala ng Professional Regulatory Commission (PRC) kasunod na rin ng ibinigay na pagkakataon ng Department of Education (DepEd) at Civil Service Commission (CSC) para makapagturo pa ang mga hindi lisensyadong guro.

Sa abiso ng PRC, hanggang ngayong araw na lamang, September 6,2022 ang huling pagpapatala ng mga nais kumuha ng pagsusulit.


Sa mga maghahain ng kanilang aplikasyon, pinapayuhan na dalhin ang kanilang Original and photocopy ng PSA/NSO Birth Certificate, Original and photocopy ng Transcript of Records, Appointment Paper or transmittal ng Civil Service Commission, DepEd ID at examination fee na nagkakahalaga ng ₱900.00

Tanging ang mga DepEd senior high school teachers na may probationary status, renewed appointment at mayroong old teacher education curriculum ang papayagan para kumuha ng examination.

Facebook Comments