MANDATORY USAGE SAMOBILE APP NA STAYSAFE.PH SA MGA PAMPUBLIKONG SASAKYAN, IPANUTUTUPAD NG LTFRBSA BUONG BANSA

Ipinatutupad na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB ang mandatory na paggamit ng STAYSAFE.PH sa mobile application sa lahat ng pampublikong sasakyan sa buong bansa.

Ang hakbang na ito ng ahensya ay para sa mas mabilis na passenger contact tracing sa mga Public Utility Vehicles (PUV) bilang pagtulong na rin sa hakbang ng gobyerno laban sa COVID-19.

Ang utos na ito ay alinsunod sa LTFRB Memorandum Circular No. 2021-041 na inilabas noong ika-21 ng Hunyo 2021 na pinagtibay kasama ang Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) Resolution No. 87, series of 2020.


Ang lahat ng PUV operators ay kinakailangang sundin ang mga alituntuning inilabas ng ahensya sa loob ng tatlumpung araw.

Paalala ng LTFRB sa mga operator at driver ng PUV na sundin ang mga patakaran ng ahensya dahil ang sinumang mahuhuling na lalabag sa mga probisyon ng MC ay papatawan ng kaukulang parusa, gaya ng pagmumulta at pagkatanggal ng kanilang ng Certificate of Public Convenience At Provisionary Authority .

Facebook Comments