Mandatory vaccination sa foreign workers, ibinasura na ng Hong Kong

Ibinasura na ng Hong Kong ang panukala na gawing mandatory ang pagbabakuna sa mga banyagang domestic worker.

Ito ay matapos umani ng kritisismo ang nasabing plano kung saan halos 370,000 na mga banyagang domestic worker sa Hong Kong ang kinakailangang magpabakuna.

Kasama rin sa naturang plano ang paghingi ng katibayang nakapagbakuna na ang mga nais kumuha o mag-renew ng visa papuntang Hong Kong.


Nauna ng kinondena ng ilang grupo ng domestic helper ang plano ng Hong Kong dahil tila sila lamang ang binigyan ng naturang requirement.

Facebook Comments