Mangga mula sa Isabela, mabibili na sa Dubai

54
Image via thecitemblog.wordpress.com

Malapit nang mabili sa Dubai ang mga mangga mula sa Isabela Province.

Sa isang mango export trip ngayong araw, 1,200 na manga ang ipinadala sakay ng Cebu Pacific mula Cauayan Domestic Airport papuntang Dubai.


Ayon kay Isabela Governor Faustino Dy III, maaring kumita ng malaki ang mga magsasaka at manggagawa ng lugar dahil sa mango exporting.

Naging malaking tulong ang mga isinagawang mango conventions para maging possible ang pageexport sa Middle East countries. Ginanap ang National Mango Congress noong Marso 19 hanggang 21 sa Isabela State University.

“This is a realization of a more productive export of mangoes and we foresee more exports soon in the Middle East and other countries,” pahayag ni Virginia dela Fuente, Presidente ng Philippine Mango Industry Foundation Inc.

Facebook Comments

From Advertisers