Kris Aquino, magpapaligaw kay Willie Revillame?

505
Photo courtesy of Wowowin and Kris Aquino on IG

Sa isang episode ng game show na Wowowin, kung saan tampok ang mga “tunog a-like o mukha a-like”, nagkausap sina Kris Aquino at host, Willie Revillame via phone patch nang ipakausap ni Kuya Wil ang impersonator ni Kris na si Chino Liu.

Nang kinumusta ni Kuya Wil ang lovelife ni Kris, sumagot ito ng “wala” at tumawa lang.


Nang malaman ni Kris na naka speaker phone siya, sinabi niyang “nakakaloka ka Willie, you didn’t even warn me. Alam mo I almost said na hinihintay kita kaya hindi ako nagpapaligaw sa iba.”

Sinagot naman ito ng tawa ng Wowowin host at saka sinabi ni Kris na si Willie lang daw ang tanggap ng dalawa niyang anak.

Sa huli sinabi ni Kris na huwag nang patagalin at sasagutin niya agad si Kuya Wil sa June 4.

Facebook Comments