Manggagawa na may kasong Pang-aabuso, Arestado!

Echague, Isabela – Natimbog ng mga kasapi ng PNP Echague ang isang manggagawa dahil sa kasong pang-aabuso matapos isilbi ang kanyang Warrant of Arrest sa Brgy. Gucab, Echague, Isabela.

Kinilala ang naaresto na si Rogelio Tamundong San Juan, kwarentay dos anyos at residente ng nabanggit na barangay.

Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 RMN Cauayan, inaresto si San Juan pasado alas syete ng gabi sa bisa ng mandamiento de aresto na ipinalabas ni Hukom Bonifacio T. Ong ng RTC Branch 24, Echague, Isabela dahil sa kasong paglabag sa RA 7610 o Special Protection of Children Against child Abuse, Exploitation and Discrimination Act.


Dinala na sa kustodiya ng PNP Echague ang akusado para sa kaukulang dokumentasyon at pansamantala itong makakalaya kung makakapaglagak ng kanyang piyansang P80,000.00.

Facebook Comments