Magsasaka na Wanted sa Batas, Natimbog!

76

San Agustin, Isabela – Matagumpay na inaresto ng mga otoridad ang isang magsasaka na may dalawang kasong kinakaharap matapos isilbi ang Warrant of Arrest nito dakong alas sais ng gabi sa Brgy. Calaocan, San Agustin, Isabela.

Kinilala ang akusado na si Oscar Dioso Enosebio, 54 anyos, magsasaka at residente ng nasabing lugar.

Batay sa nakuhang report ng 98.5 RMN Cauayan, dinakip si Enosebio matapos magpalabas ng mandamiento de aresto si hukom Bonifacio T. Ong ng RTC Branch 24 Echague, Isabela dahil sa kasong Panggagahasa at kasong paglabag sa RA 7610 o (An Act Providing For Stronger Deterrence And Special Protection Against Child Abuse, Exploitation And Discrimination).


Samantala, nasa himpilan na ng PNP San Agustin ang akusado para sa kaukulang dokumentasyon bago dalhin sa court of origin nito habang walang inirekomendang piyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Facebook Comments