Manggagawa Ng Dole Na Nabiktima Ng Bagyong Lawin, Makakatanggap Na Ng Mas Maagang 13Th Month Pay

20

MANILA – Ipinag-utos na ni Labor Sec. Silvestre Bello III ang magbibigay ng mas maagang 13th Month pay sa mga manggagawa ng Department of Labor and Employment na sinalanta ng bagyong Lawin.Ayon kay Bello, sinabihan na nito ang DOLE Region 2 na huwag nang hintayin pa ang Nov. 15 at ibigay na sa kanilang mga trabahante ang kanilang 13th Month pay.Ang Region 2 ay isa sa matinding sinalanta ng Supertyphoon Lawin nitong lamang nakaraang buwan kung saan hanggang ngayon ay hirap pa rin makabangon ang ilan sa mga residente doon.Kasabay nito, muli namang nanawagan si Bello sa pribadong sektor para sa mas maagang 13th Month pay ng kanilang mga empleyado.Paalala pa ng Kalihim, maging ang mga manggagawang natapos ang kontrata bago ang disyembre at mga Housemaid ay dapat din bigyan ng 13th Month pay.

Facebook Comments