Full Implementation Ng Nationwide Graphic Health Warning Law Simula Na Bukas – Doh, May Babala Sa Mga Kumpanyang Pasaway

14

MANILA – Simula na bukas ang full implementation ng Nationwide Mandatory Graphic Health Warning Law.Ayon kay Department of Health Spokesman Asec. Eric Tayag, hindi na bibigyan ng palugit ang mga kumpanya ng sigarilyo na hindi susunod sa Republic Act No. 10643.Sa ilalim ng batas, obligado ang mga kumpanya ng sigarilyo na maglagay ng mga larawan na nagpapakita ng mga sakit na maaring makuha dahil sa paninigarilyoNitong Marso, pinayagan ng DOH ang mga Tobacco Companies na ubusin ang mga lumang supply ng sigarilyo na wala pang graphic health warnings, pero binigyan diin ngayon ni Tayag na wala ng exemption at lahat ay kailangan ng sumunod sa batas.Babala ng DOH, ang mga hindi susunod sa batas ay papatawan ng multang P500,000 sa unang opensa, isang milyong piso sa ikalawang opensa at sa 3rd offense ay pagbabayad ng dalawang milyong piso, pagkakakulong ng hindi bababa ng limang taon at kanselasyon ng kanilang business permit.

Facebook Comments