Manggagawa sa Cauayan City, Isabela, Arestado sa Buy Bust!

*Cauayan City, Isabela- *Natimbog ang isang lalaki matapos maaktuhang nagbebenta ng iligal droga sa Brgy. District 1, Cauayan City, Isabela.

Kinilala ang manggagawang nadakip na si Marlon Cardenas, bente sais anyos, binata at residente ng nasabing barangay.

Batay sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan, nadakip si Cardenas matapos bentahan ng tuyong marijuana na inilagay sa isang selophane ang isang police poseur buyer sa halagang limang daang piso.


Narekober mula sa suspek ang limang daang pisong marked money, isang unit ng cellphone at isang pitaka na naglalaman ng mahigit dalawang libong piso.

Hawak na ng PNP Cauyaan City ang suspek na mahaharap sa kasong Paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Facebook Comments