Dalawang lalaking Inaresto sa Pananakot, Nasamsaman ng Droga!

*Cordon, Isabela- *Arestado ang dalawang lalaki na kinabibilangan ng isang menor de edad matapos manakot ng isang babae at mahulihan ng droga kaninang alas dose ng tanghali sa Brgy. Turod, Cordon, Isabela.

Kinilala ang mga nadakip na sina Dexter Gagno, dalawampung taon, binate at residente ng Brgy. Villa Pascua, Diffun, Quirino at isang katorse anyos na binatilyo na itinago sa pangalang Jomar na residente naman ng Brgy. Villagonzaga, Santiago City habang ang biktima naman ay kinilalang si Raquel Aurelio.

Batay sa ipinadalang impormasyon ng PNP Cordon, nagsagawa ng hotpursuit operation ang kapulisan matapos makatanggap ng sumbong mula sa biktima na umanoy hinila siya ng dalawang suspek at pinagbantaan gamit ang isang kutsilyo.


Agad namang nahuli ang dalawang suspek at noong isinailalim ang mga ito sa bodysearch ay nakuha mula sa shortpants ni Gagno ang isang sachet ng hinihinalang shabu habang kay Jomar naman ay nakuha ang isang foil na may upos ng shabu.

Dinala na sa PNP Cordon ang dalawang suspek para sa kanilang kaukulang dokumentasyon at disposisyon habang inihahanda naman ng kapulisan ang kanilang kaukulang kaso.

Facebook Comments