Mangingisda, natagpuang patay habang palutang-lutang sa dagat sa Camarines Sur

Camarines Sur – Patay nang matagpuan ang isang mangingisda na palutang-lutang sa dagat sa Sitio Cayawan, Barangay Pandanan, Caramoan, Camarines Sur.

Ayon kay Caramoan PNP Chief of Police, Chief Insp. Stephen Cabaltera – nagpaalam sa kaniyang pamilya ang biktimang si Gregy Vargas, 32-anyos, na tutungo sa isang okasyon pero hindi na ito nakauwi.
Malaki aniya ang paniniwala ng biktima na inatake ito sa puso habang nakainom at sakay ng kaniyang bangka na naging resulta sa kaniyang pagkakahulog at pagkalunod.

Facebook Comments