Lolo, kalaboso dahil sa panggagahasa sa isang menor de edad sa Zamboanga del Norte

Zamboanga del Norte – Arestado ang isang matandang lalaki matapos gahasain ang isang dalagita sa loob ng kanyang bahay sa katipunan, Zamboanga del Norte.

Batay sa imbestigayon, pumunta sa bahay ng 60-anyos na suspek ang 13-anyos na grade 4 pupil para makahingi ng saging.

Bigla na lamang hinila ng suspek ang menor de edad na biktima papasok sa kanyang bahay at doon nangyari ang krimen.


Hindi batid ng suspek na sumunod pala ang ina ng biktima at nakita ang pangyayari.

Sasampahan ng kasong rape ang matanda na ngayon ay nakadetain sa selda ng police station.

Facebook Comments