Mangingisda patay matapos atakihin ng buwaya sa Balabac Palawan

110

Isang mangingisda na naman ang nasawi matapos na atakihin ng buwaya sa Sitio Caguisan Brgy. Salang Balabac, Palawan.

 

Kinilala ang namatay na mangingisda na si Junick Husin, 20 anyos residente ng Brgy Salang Balabac Palawan.


 

Ayon kay PNP MIMAROPA Spokesperson Police Col Socrates Fataldo alas 7:30 ng gabi kagabi ( October 8, 2019) pauwi na galing sa pangingisda habang sakay ng bangka ang namatay na mangingisda kasama ang isang Edgard Legazpi  nang atakihin sila ng buwaya.

 

Nakita raw ni Legaspi na kagat kagat ng buwaya ang ulo ni Husin.

 

Agad namang nakaresponde ang mga residente sa lugar at pinagtulungang hilahin sa buwaya ang bangkay ng namatay ng mangingisda at pagtulungan ring patayin ang umatakeng buwaya.

Facebook Comments

From Advertisers