Mangingisda sa bayan ng Dinapigue, 5-araw ng Nawawala matapos Pumalaot

Cauayan City, Isabela- Patuloy ang isinasagawang search and rescue operation ng mga tauhan ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC) Dinapigue sa isang mangingisda na pumalaot upang manghuli ng isda noong nakaraang lunes subalit hindi na nakabalik pa sa kanilang tahanan hanggang ngayon.

Kinilala ang nawawalang biktima na si Alfredo Donato, 47-anyos, may-asawa residente ng Brgy. Digumased, Dinapigue, Isabela.

Ayon kay MDRRMO Head Teodoro Sabiano, tatlo (3) na mangingisda ang pawang mga kasama rin ng biktima sakay ng kani-kanilang bangka upang tumungo sa tinatawag nilang ‘Buya’ kung saan sinasabing parte ng karagatan na maraming mahuhuling laman-dagat.


Nagdesisyon aniya ang mga kasamahan nito na manatili ng isang gabi sa lugar subalit hindi na nagawang mangyari ito dahil sa sinasabi ng mga kasamahan ng biktima na hindi maganda ang alon ng tubig kung kaya’t umuwi na ang kanyang kasama ng hindi naman nito mapansin.

Araw ng huwebes , nagsagawa ng search and rescue operation ang mga tauhan ng MDRRMO para libutin ang sinasabing lugar kung saan huling nakita ang biktima.

Halos limang (5) araw ng hindi nakakabalik sa kanilang tahanan ang biktima kung kaya’t nag-aalala ang anak nitong si Cesar Donato, 20 anyos sa kalagayan ng kanyang ama.

Bukod dito, hindi naman nagkulang ng paalala ang pamunuan ng MDRRMO at lokal na pamahalaan sa lahat ng mangingisda na umiwas kung mayrong banta ng sama ng panahon sa karagatan.

Inaasahan naman na tuloy-tuloy ang isasagawang search and rescue operation sa nawawalang biktima.

Facebook Comments