Mangingisda, sugatan matapos atakihin ng buwaya sa Balabac, Palawan

Patuloy na ginagamot sa ospital sa Puerto Princesa City sa Palawan ang isang mangingisda nang maging sugatan matapos atakihin ng buwaya sa Sitio Silom-Silom, Brgy. Catagupan, Balabac, Palawan.

Kinilala ang mangingisda na si Janilon Daking Amalong, 25-anyos.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) MIMAROPA Spokesperson Police Lieutenant Col. Imelda Tolentino, ala-1:00 ng madaling araw kahapon, nangingisda ang biktima kasama ang kanyang tiyuhin na si Monching Daki gamit ang spear gun o pana nang bigla silang inatake ng buwaya.


Dahil dito, nagkaroon ng sugat sa ulo at kaliwang mata ang biktimang si Amalong.

Agad naman nakaalis ang dalawa sa area at naisugod sa Rural Health Unit sa Balabac ang biktima, pero dahil sa malalang sugat inilipat ito sa ospital sa Puerto Princesa City.

Facebook Comments