MRT-3, magdedeploy ng dagdag na bus units habang suspindido ang operasyon tuwing Sabado at Linggo

28

Magdedeploy ang Metro Rail Transit Line 3 management ng dagdag na 90 bus units habang suspendido ang operasyon ng mga tren tuwing Sabado at Linggo.


Ito’y upang matiyak na may sapat pa ring masasakyan ang mga pasahero tuwing weekend.

Ang weekend shutdown ay magsisimula bukas July 4, 2020 hanggang July 5, 2020 at sa August 8-9, August 21-23 at September 12-13, 2020.

Ang unang biyahe ng bus mula North hanggang Taft Avenue Stations ay mula alas-5:30 ng umaga at alas-8:00 ng gabi.

Para sa biyaheng Southbound, ang sakayan ng mga pasahero ay sa North Avenue station at Quezon Avenue station.

Ang babaan naman ay sa Ayala station at Taft Avenue station.

Para naman sa mga bibiyahe pa-northbound, ang sakayan ay sa Taft Avenue station at Ayala station.




Ang unloading stations ay sa Ayala station, Quezon Avenue Station at North Avenue station.

Ang suspensyon ng operasyon ng MRT-3 ay dahil sa pinapabilis na rail replacement works hanggang September 2020.

Facebook Comments