MANGINGISDANG PUMAPALAOT SA DAGUPAN CITY, NABAWASAN DAHILSA MATAAS NA PRESYO NG KRUDO

Nabawasan umano ang mga pumapalaot na mangingisda sa lungsod dahil sa patuloy na pagmahal ng krudo na nakaapekto sa suplay at presyo ng bangus sa merkado, ayon sa ilang mangingisda at fish dealers.

Hindi na umano praktikal ang pangingisda dahil sa mataas na gastos sa gasolina, kaya’t may ilan sa kanila ang pansamantalang huminto sa pangingisda.

Dahil dito, kumonti ang suplay ng bangus, ngunit sa kabila nito ay nananatiling matumal ang bentahan.

Bumaba rin ng hanggang ₱20 ang presyo ng bangus.

Sa kasalukuyan, nasa ₱175 ang “2-in-1,” ₱160 ang “3-in-1,” at ₱165 naman ang “5-in-1.”
Dagdag pa ng ilang dealers, hindi pa tiyak kung hanggang kailan magpapatuloy ang sitwasyon.

Samantala, minomonitor naman ng mga awtoridad ang presyo ng isda at iba pang produkto na inaasahang magtatakda kung kailan muling babalik sa normal ang operasyon ng pangingisda sa lungsod. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments