MANGO GROWERS SA QUEZON, SASAILALIM SA PAGSASANAY

CAUAYAN CITY- Inaanyayahan ng Lokal na Pamahalaan ng Quezon lahat ng Mango Growers na dumalo sa isasagawang Mango Production Management Training sa Quezon, Isabela.

Ito ay insiyatiba ng Lokal na Pamahalaan ng Quezon kasama ang Office of the Provincial Agriculturist at Quezonian Producers Cooperative.

Ito ay magaganap ngayong araw ika-15 ng Oktubre sa Office of the Senior Citizen sa ganap na alas ptso ng umaga.


Ang aktibidad na ito ay nakasaklaw sa adhikain ng tatlong hanay na tulungan ang mga mango growers sa bayan mg Quezon.

Facebook Comments