MANGOLEKTA NG DATOS | Marine research ng China sa Benham Rise, sinimulan na

Manila, Philippines – Sinimulan na ng China ang kanilang marine scientific research sa Philippine Rise.

Alinsunod ito sa ibinigay na permit ng gobyerno ng Pilipinas partikular ng Department of Foreign Affairs sa Institute of Oceanology of Chinese Academy of Sciences para mangolekta ng datos mula sa Western Pacific Ocean.

Katuwang ng mga Tsino ang mga Filipino scientists mula sa University of the Philippines Marine Science Institute.


Tatlumpu’t tatlong araw ang itatagal ng permit at saklaw nito ang silangang bahagi ng Luzon at Mindanao.

Facebook Comments