PASOK SA SRP | Weekly inspekyon ng Dept. of Trade and Industry sa mga pamilihan, tiniyak

Manila, Philippines – Tiniyak ng Department of Trade and Industry (DTI) na linggo-linggo na silang mag-iinspeksyon sa mga pamilihan para matiyak na pasok pa rin sa Suggested Retail Price (SRP) ang presyo ng mga pangunahing bilihin.

Bukod sa mga supermarket, sabi ni Trade Undersecretary Ruth Castelo, balak na rin patawan ng SRP ang mga itinitinda sa mga sari-sari store.

Pero iba aniya ang magiging SRP sa sari-sari stores dahil hinango lang ang mga produkto mula sa supermarket.


Ayon kay Castelo, ang mahalaga ay wala pang epekto sa ngayon ang excise tax.

Sa kasalukuyan, wala pang manufacturer na nag-abiso sa dti na magtataas-presyo dahil sa bagong buwis.

Facebook Comments