MANGROVE TREE PLANTING TAMPOK SA PAGDIRIWANG NG 38TH PARISH BEC DAY

Bilang pangunahing bahagi ng pagdiriwang ng ika-38 Parish BEC Day 2025, nagsagawa ang Parish Youth Ministry mula sa iba’t ibang barangay ng isang mangrove tree planting activity sa Bued Mangrove Propagation Center, katuwang ang isang non-government organization.

Layon ng aktibidad na palakasin ang kamalayan at partisipasyon ng kabataan sa pangangalaga ng kalikasan.

Sa pamamagitan ng pagtatanim ng mangrove, tumutulong ang parokya na mapatatag ang baybayin, maprotektahan laban sa epekto ng storm surge, at masuportahan ang iba’t ibang uri ng yamang-dagat na umaasa sa naturang ekosistema.

Ang sama-samang pagtatanim ng mangrove ay naging simbolo ng patuloy na pakikiisa sa misyon ng simbahan at ng komunidad tungo sa mas matatag at mas maingat na pangangalaga sa kapaligiran. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments