
Pinag-utos ni PNP Chief General Jose Melencio Nartatez Jr. ang full scale manhunt laban sa mga salarin sa pamamaril sa dating beauty queen sa Isabela at sa director ng isang electric cooperative sa Oriental Mindoro.
Kung saan inatasan ni Nartatez ang Regional Directors ng PRO2 at 4B na tingnan ng malalim ang dalawang kaso para matukoy ang motibo at matunton ang mga responsable sa mga nasabing krimen.
Inatasan rin nya ang lahat ng police commanders na pag-igtingin ang pagsasagawa ng mga crime prevention measures kagaya ng checkpoints, police visibility at strategic deployment ng mga personnel .
Nabatid na pinagbabaril ang isang dating Ms. Philippines-Earth runner up at ngayon ay isang guro na si Lullete Jane Ramilo-De Guzman sa loob ng kanyang sasakyan sa Barangay Cabaritan ,San Manuel Isabela.
Habang sa Oriental Mindoro naman ,pinagbabaril rin si Antonio Mendeja, director ng Oriental Mindoro Electric Cooperative nang siya ay pansamantalang huminto para icheck ang kanyang sasakyan.
Kaugnay nito, hinimok naman ni Nartatez ang sinumang may impormasyon sa nasabing 2 insidente na makipagtulungan para sa isinasagawang imbestigasyon ng pulisya.










