Manifesto of support, nilagdaan ng mga kongresista para sa mabilis na pag-apruba sa Bayanihan 2

Nilagdaan ng mga lider ng Kamara ang isang manifesto of support para sa agarang pag-apruba sa Bayanihan 2.

Inilabas ang manifesto matapos maipasa sa Mababang Kapulungan sa ikalawang pagbasa ang P162 billion na Bayanihan To Recover as One Act.

Pinangunahan ni Speaker Alan Peter Cayetano at Majority Leader Martin Romualdez ang pagpirma sa manifesto na sinundan ng ibang lider ng Kamara.


Nakasaad sa manifesto ang pagtugon ng Kamara sa paglaban ng pagkalat ng sakit na coronavirus disease at sa pagpapabilis ng pagbangon ng bansa sa pandemya.

Ang hakbang na ito ay alinsunod na rin sa pakiusap ng Pangulo sa kaniyang State of the Nation Address (SONA) na tulungan ang pamahalaan sa recovery efforts nito lalo na sa pagbibigay ayuda sa mga maliliit na negosyo at maibsan ang epekto ng pandemic sa buhay ng mga Pilipino.

Facebook Comments