MANIFESTO on BURNING INCIDENT SA Bicol Central Academy INILATHALA

Posted with permission from Homar Murillo
SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, Isang “MANIFESTO OF STUDENT COUNCILS, CAMPUS PUBLICATIONS AND YOUTH ORGANIZATIONS” ang inilathala ngayon sa social media account ni Homar Murillo kung saan nakasaad dito ang malupit na isinagawang hakbang ni Bicol Central Academy School Administrator Alexander James Jaucian laban sa mga estudyante. Nakasaad din sa nasabing Manifesto ang kung ano ang “demand” nila hinggil sa taong sangkot sa pangyayaring ito.
Sa social media post ni Homar, naka-attached ang 4-page manifesto na nagsasalaysay ng pangyayari sa Bicol Central Academy kung saan pinasunog ng nabanggit na School Administrator ang mga backpacks ng mga estudyante sanhi ng paglabag ng mga ito ng ‘no backpack policy’ na ipinatupad noong araw na iyon, August 17, 2018. Kalakip din dito ang 2 pahinang initial names/signatories mula sa iba’t-ibang organisasyon ng mga estudyante sa Ateneo, Mariners, Bicol University, at Catanduanes State University .
Ayon sa fb post ni Murillo,
“A manifesto of student councils, campus publications and youth organizations condemning the cruel actions of the school administrator of Bicol Central Academy of Libmanan against the students.”
Kalakip sa Manifesto ang matatag na talata kung saan nakasaad ang sumusunod:
*“demanding full accountability and justice and justice for the abuse and trespasses committed by Mr. Jaucian against his students in Bicol Central Academy. Violence masqueraded as punishment, despite students’ lack of discipline, will never be formative nor will it ever be justifiable in any institution of learning.” *
Para sa detalye ng Manifesto, tunghayan sa fb post ni Homar Murillo o di kaya’y i-click ang link dito.
Samantala, kahapon, nakapanayam ng RMN Naga – DWNX si BCA School Administrator Alexander James Jaucian kung saan aminado naman siya sa kanyang pagkakamali, kasunod ng kanyang paghingi ng kapatawaran sa mga magulang at mga estudyanteng kanyang nabulyawan. Sa isang dialogue sa pagitan niya at mga magulang ng mga biktimang estudyante, napagkasunduan na babayadan ang mga nasirang kagamitan, pera at mga gadgets. Sinuspendi rin ng School Board ng 3 buwan without pay si Jaucian, samantalang “indefinite leave” naman ang rekomendasyon na ipinaabot ng DepEd Region 5 sa pamamagitan ni Dir. Gilbert Sadsad.



Facebook Comments