Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle, humiling sa mga deboto ng Itim na Nazareno na ipanalangin ang nangyayaring krisis sa Middle East

Humiling ng panalangin si manila archbishop luis antonio cardinal tagle sa mga deboto ng Itim na Nazareno na ipanalangin ang nangyayaring tensyon sa pagitan ng Iran at Estados Unidos.

Sa kanyang sermon sa banal na misa kaninang madaling araw, hiniling ni Tagle sa lahat na mag-dasal upang hindi mauwi sa digmaan ang lumalalang sigalot sa Middle East.

Humiling din si Tagle ng panalangin para sa kaligtasan ng mga Pilipino sa Gitnang Silangan at maging sa mga pamilya ng mga Pinoy na nangangamba sa kanilang buhay.


Facebook Comments